top of page

Our Recent Posts

Tags

Simulan ulit natin.

  • Kuya Olan
  • Apr 11, 2018
  • 2 min read

Okay na ako, kaya ko nang wala ka, kaya ko nang sabihin na malaya na talaga ako. Malaya sa mga lumbay na palagi akong dinudurog sa bawat paglipas ng oras.

Natutunan ko na hindi naman puro pag-ibig ang rason para mapsaya lang ako, minsan kailangan ko rin kasi bigyan atensyon ang iba't ibang bagay, puro nalang kasi siya ang nasa isip ko kaya 'di ako nagiging masaya. Hindi ko naman kailangan na palaging merong tayo o kahit ano, nahanap ko na ang mga tanong sa bakit kaya hindi na ako mag-aabala na kausapin ka na para bang tayo muli sinta.

Nalilinawan na ako, sa lahat lahat.. Madaming rason para bumitaw na rin eh, hindi lang naman ito ang pagkakataon na mapapamahal rin ako sa iba. Move-on sabi nila, sige ba, hindi nga madali pero worth it naman. Worth it kasi mawawala ang lahat na paghihirap at sakit na nararamdaman mo dati. Masaya na muli ako, salamat sayo.

Gusto ko na rin magsimula, magsimula at tapusin ang lahat ng paghihirap, ang pagpakawala sa mga dating pagtingin sayo. Ngayon, isang kaibigan nalang ang nananatili sa pagitan nating dalawa. Salamat dahil ikaw ang nagpa-realize sakin na kailangan ko na rin talagang bumitaw, kung hindi, mas lalo pang sasakit.

Sa wakas.. Malaya na rin ako. Malinaw na ang lahat sa akin, basta ki lord nalang ako aasa na siya na mismo ang bibigay ng lahat para sakin sa tamang oras, at tamang panahon. Sobrang pasalamat ako ki lord lalo na sa mga taong nandyan para sakin, para ako'y pasayahin.

Salamat din sayo, dahil napasaya mo rin ako kahit papano. Napasaya mo ako kahit isang saglit lang ito. Sana maging masaya ka sa kung saan ka naroroon, sana maging masaya ka sa kung anong ibinibigay sayo ng panginoon. Salamat dahil wala na akong mahahanap pang kaibigan na tulad mo.

Salamat Eine...

 
 
 

Comentarios


bottom of page