Isang taon...
- Kuya Olan
- Apr 11, 2018
- 3 min read
Simulan natin ito sa unang pag-uusap namin..
Naaalala mo pa ba nung una tayong nag-usap? Siguro naman oo, sa totoo lang, ang sobrang bait mo, cute ka pa, ideal friend ko ang kagaya niya hahaha! Sasama ka nun sa isang club at kailangan mo ng kasama para makasali dahil baguhan kapa noon..
Tara't pabilisin natin nang konti ang oras na kung saan nangyari ang unang pagtampo mo sakin. Palagi kasi kitang china-chat ng may gusto ako sayo pero merong kasabay na joke lang.. Grabe na-guilty ako dun kasi pinag-laruan kita, sa totoo lang doon na ata ako nahulog nang tuluyan para sayo.. "Di ko nasabi sayo noh? Nagmula sa isang trip na sa huli ay naging totohanan na ang nararamdaman ko para sayo. Hindi ako makasingit kasi meron ka pang ibang gusto noon, kaya patago muna.
Nung nakita ko na pagkakataon ko, umamin na ako nang tuluyan sayo.. Pero hanggang dun nalang pala ang lahat, may gusto ka pala sa isang tao na mas mabuti pa sa akin.. Hindi ko inasahan, sabi mo sorry kasi may gusto kang iba. Nagmaka-awa na rin nga ako na kung pwede ba kitang hintayin, pero wala talaga, walang pag-asa.
Prom. Kinantahan pa kita ng perfect ni Ed Sheeran sabay sulyap sayo, nakatingin ka rin sakin noon, inaasar pa ng mga kabarkada mo. Ayieee! Cute mo pala nun, para kang prinsesa.. Binigyan kita ng bouquet of roses.. Sinayaw kita nang maka-ilan na kanta, yung iba ni 'di ka na masayaw kasi sabi ko sa kanila mamaya na. Marami akong sinabi sayo, mabuti nalang 'di ka umiyak kung di masisira make-up mo.. Napakaganda mo pa naman. Paalam na..
Kilala ko na nun kung sino ang ginugusto mo.. Nagpaka-bulag nalang ako para hindi ko maisip pa. Siya pala...
Friendzone. Diyan ako napunta.. Habang nakikita ko kayong dalawa palagi sa may hallway at sobrang saya niyo pa, nakaka-ingit naman. Lumipas ang mga araw, nasanay na ako na ang pagturing ko sayo ay parang kaibigan nalang. Simple nalang ang pag-uusap natin, walang halong kaba at kilig na nanggagaling sa mga labi ko. Sobrang simple nalang..
Dumaan ang mga araw na simple nalang ang daloy ng buhay ko, simpleng mga pangyayari, pare-parehas na mga mukha. Pero bakit ikaw ang tanging tao sa mundo ko na para bang puno ng liwanag? Nevermind.. Baka antok lang ito..
Dumating ang araw na kung saan ay mayroon tayong "Job Interview", ang ganda mo sa suot mong formal dress, bagay na bagay sa isang tulad mo, isang simple tao pero maganda sa paningin ko. "Goodluck kaibigan sa interview mamaya". Kaibigan haha...
Natandaan ko pala, yung gabing umamin ka na may gusto ka na rin sa akin. Sobrang saya ko nun, pero sabi mo, may natitira ka pang nararamdaman para sakanya, okay lang naman sakin kahit maghintay nang matagal basta't 'wag mo lang akong bitawan at iwanan. Sa wakas..
Oo, naghintay ako nang sobrang tagal.. Tanda mo pa ba nung binigyan kita ng rose, chocolates? May letter pa na kasama nun 'di ba? Maghihintay para sayo sinta..
Summer.. na kung saan natuluyan nang sumaya ang buhay ko dahil sa isang matamis na oo mo. Ligaw stage na! Ang saya ko nun. Sobra.
Sabay gumuho ang mundo.. Nang sinabi mong "Sorry.. Bumalik kasi ang mga nararamdaman ko para sa kanya. May nasabi kasi siya sakin para mabalik lahat nang yun". Binalik mo, mga sinabi mo'y naglaho.. Umasa na naman ako na tuloy-tuloy na ang kuwento ng buhay ko na kasama ka.
Nasiraan ako ng bait.. Sobrang sakit.
Sa pagkatagal-tagal nang paghihintay mo sa kanya, yun pa mismo ang tatapos sa lahat ng pag-asa mo.
Isang taon na kabilang ka sa pag-ikot ng mundo ko. Salamat dahil ipinaramdam mo rin sa akin kung pano mahalin ng kahit saglit man lang. Miss na kita.. Salamat dahil nagising ako sa katotohanan na hindi lang ikaw ang taong kaya kong mahalin nang tunay. Tama ka, may iba pa diyan, mas mabuti pa sayo.. Pero, ikaw lang ang nag-iisa sa puso ko sinta. Salamat dahil ikaw na mismo ang bumitaw para sa akin, kung hindi.. Hindi na sana ako bibitaw pang muli. Nagpapasalamat ako nang sobra sa isang tulad mo, sa isang tulad mo na kayang palakasin ang loob ko.
Salamat Eine...

Comments