Mga Yakap...
- Kuya Olan
- Apr 10, 2018
- 2 min read
Miss na kita.. Sobra. Kailan ka ba babalik? Kailan ko ba ulit matitikman ang mga yakap mong kay higpit? Kausapin mo naman ako kahit saglit lang dahil miss na miss na talaga kita, lalo na yung dating ikaw.
Salamat sa lahat-lahat, kasi palagi kang andyan para sakin, palagi mong ipinaparamdam sa akin na isa ako sa mga taong importante sayo. Sana maramdaman ko muli ang mga yakap mo, yan lang naman ang tangi kong inaasam sa pagbalik mo. Ang makita ko ang mukha mong kay ganda, ang mga ngiti mong kay tamis, ang mga yakap mong kay higpit na para bang hinihinto ang paggalaw ng mundo.
Salamat dahil natutunan ko na kahit nasasaktan na ako, kailangan ko lang ngumiti para masabing okay na ako. Pero parang may kulang.. Asan kana? Ba't naglaho kang bigla? Nasaan na ang mga yakap mo? Nasaan na ang dating tayo? Sabi mo andito ka lang para sakin. Nasaan na ang mga salita na kung saan ay ginamit mo para sa mga sinabi mong iyon? Miss na kita.. Sobra.
Pinilit kong hanapin ang sagot sa iba.. Pero wala talaga, palaging may kulang sinta. Iba ang yakap nila sa yakap na dating ibinibigay mo sakin. Hindi ito kahigpit kagaya ng sayo, hindi ito ang mga pangkaraniwang yakap na nakukuha ko mula sayo..
Hinihiling ko na yakapin mo ako kahit hindi na ito totoo.. Pero wag ka mag-alala, masasanay rin ako na ganito.. Wala ang mga yakap mo, wala ang mga ngiti mo, wala ang buong pagkatao mo sa tabi ko.. Pero sikapin mo parin na yakapin ako kahit wala na tayo.. wala nang tayo at malayo na tayo sa isa't isa...
Dati, ikaw yung tao na nagpapasaya sa puso ko, pero ngayon.. Sino ka na nga ba? Nagbago ka na, tuluyan pa.
Bumitaw ka, pero ibinalik kita sa aking mga kamay at yinakap nang mahigpit.. "Mahal na mahal kita.. Tandaan mo yan, hindi kita iiwan".
Pero wala... Bumitaw ka parin nang walang paalam. Naglaho na ang lahat na ginawa natin nang magkasama pa.. Ayoko ko nang maulit pa, pero ikaw parin ang hanap ng puso ko sinta...
Kaya sa tuwing niyayakap ako.. Ikaw ang pumapasok sa isipan ko.. Sabi na nga ba, hindi ko pa talaga kaya.
Ang labo na talaga ng lahat.. Miss na kita, pati ang yakap mo.. Sinta.

コメント