Para Sa Mga Iniwan...
- Kuya Olan
- Apr 10, 2018
- 2 min read
Oh! Kamusta ka na pala? Tagal na tayong 'di nag-uusap ah, anong meron sayo ngayon? Ganda pala ng bagong profile pic mo ah, may ganap ba? Ayiee! Share naman dyan kahit konti lang oh.

Ganyan ako kapag itinatago ko nalang ang sakit na nararamdaman ko tuwing nakikita siyang masaya sa piling ng iba. Ni isang reply man sana wala talaga, ganyan na ba talaga ang mga tao ngayon? Bakit parang hangin ka nalang sa paningin nila? Haha. Naglaho na pala ang dating pag-uusap natin.. Nawalan na ng halaga. Masaya ka ba? Na alam mong ako'y iniwan mo nang ganito? Ni isang maayos na paalam wala man lang? Wala bang halaga ang mga ginawa ko noon para sayo? Para mapasaya kita? Haha.. Sige ayos lang.
Wala na akong masabi.. Ang sakit eh.. Kala ko tuloy-tuloy na, pero naglaho nalang bigla. Tanungin kita, masaya ka na ba? Masaya ka na ba dahil minahal mo siyang muli? Nasaan ako doon? Nasan yung mga pagpapasaya kong ginawa para sayo? Bakit? Bakit mo naisip na bitiwan mo nalang ako nang biglaan? Malabo ka eh! Masaya na ako.. Masaya na sana ako.. Pero kailangan mo pang bawiin ang kasiyahan ko. Pasensya kana..
Siguro hindi ko na masyado napapansin ang sarili kong kasiyahan, dahil ang kasiyahan ko ay unti-unti ko nang nasasayang sa isang tulad mo. Isang yakap.. Isang yakap na mahigpit ang maayos na paalam mo ang kailangan ko, at sabihing.. "Malaya kana.. Patawad dahil hindi ako naging totoo".
Maiintindihan naman sana kita, pero bumitaw ka na eh.. Wala na akong magagawa para balikan ang mga dating alaala. Friends? 'Di ko alam.. Bestfriends? Wala kaming ganyan..
Love truly changes people.. Tama nga sila, lalo na kapag iniwan ka.. Kung tao lang sana ang tadhana, nasapak ko na ata siya noon pa. Hindi pwede eh, malabong mangyari yun.
Saan na nga ba patungo? Saan na patungo ang mundo ko? Paano ako magsisimula muli? Paano ko malilimutan? Bakit kailangan ko pang hanapin ang sagot sa mga bakit? Bakit nga ba?
Summer pa naman ngayon.. Isang buwan pa bago bumalik sa paaralan.. Makikita ko pa ba siya? Sana hindi na.
Masasaktan lang ako kapag makikita ko silang dalawa na magkasama.. Ang labo.. SOBRA.
Babalik ka pa ba? Kung oo, edi masaya pero hanggang kaibigan nalang. Kung hindi na, tatanggapin ko nalang.. Sanay na akong iwanan. Nagbago ka na nang sobra, hindi na kita kilala.. Sino ka nga ba ulit? Ikaw ba yung tao na hindi ko kayang pakawalan? Ikaw ba yung tao na minahal ko nang sobra? Ikaw ba yung tao na iniwan ako sa wala?
Pasensya kana.. Nakaka-gago eh. Fallback lang pala ako sa buong buhay ko.. Hanggang appreciation lang.. Walang kulang, walang sobra.
Kala mo meron kayong something special? Sa umpisa lang pala yun.. Sa huli, ako lang naman ang nasaktan.

-Para kay binibining Hernandez
Comentarios