top of page

Our Recent Posts

Tags

Nagsimula Sa Isang Paalam...

  • Kuya Olan
  • Apr 9, 2018
  • 2 min read

Masakit kasing isipin na sa dinami-dami nang pinagdaanan niyong dalawa, siya pa mismo ang bibitaw na una.

Ang gusto ko lang naman talaga, ay yakapin niya ako kahit hindi na totoo.

Masaya na siya sa iba.. Sobrang sakit habang iniisip ko na ganon ang nangyari sa akin. Palibhasa, hindi naman ako palagi ang unang napipili, hindi ikalawa, hindi ikatlo, ika-apat, ika-lima.. Kundi Huli.

Palaging ako ang naiiwan.. Hindi ko na maintindihan ang sarili ko, kung bakit ba ganon ako kahirap na mahalin.

Simple lang naman ang gusto ko eh.. Ang mahalin ako ng tapat at totoo, basta may tiwala ay kaya kong ipaglaban ang ganyan na pag-iibigan.

Sobrang sakit dahil kailangan mo ring magpaalam kahit wala kayong label.. Sabi na nga ba eh.. Hindi ako sanay, sadyang 'di ko lang talaga kayang tanggapin na wala na siya sa piling ko.

Sabi ng iba tigilan ko na raw.. Pero alam kong pwede pa naman, kahit sa totoo alam ko naman talaga na wala na.

Okay lang ako, kakayanin ko naman ito, kailangan ko lang ng oras para makalimutan ang sakit na nadarama.

Pero bakit? Bakit sinabi mong pede.. Pede kitang mahalin? Bakit? Bakit mo ibinalik ang mga sinabi mo?

Umasa na naman ako.. Tadhana nga naman talaga.

Tawang-tawa naman ako sa sarili ko.. Nagpakatanga na naman ako nang sobra.. Kaya naman pala nang-iwan ka.

Ang saya ko na sana.. Masaya sa piling mo sinta. Hindi ko talaga kinaya ang mga masasakit na salitang nasabi niya sakin. "Gusto kong tigilan mo na ang kakahintay sakin". Sa dinami-dami ng buwan na sinayang ko kakahintay lang sayo, yan na lang ang matatanggap kong huli mula sayo? Hindi ako naka-salita.. Tuluyan nang gumuho ang mundo sa paningin ko. Drama ko haha.

Para bang nasiraan ka ng bait.. Ang bait mo pa naman kahit nasabi niya yun. Tanga ka na naman.

Kahit ganon.. Ang gusto ko lang naman ay ngumiti siya para sakin, para malaman ko na okay lang siya. Kahit alam kong ako'y hindi sa kabila ng lahat. Ang labo noh? Ano ba talagang meron samin? Friends? MU? I guess neither...

Sisimulan ko ang blog na ito sa pamamagitan ng isang paalam.. Mga paalam na hindi man natin kailang malilimutan ang sakit na naramdaman. Depende na satin kung hahanapin pa natin ang mga sagot sa katanungan kung bakit, ano, at dahil. Kusa nalang nating tatanggapin ang mga nangyari kahit hindi natin kaya, hindi natin kayang mag move-on. Pero salamat sa mga taong umiwan satin, dahil sa pag-iwan nila.. May naiwan silang alaala na kung saan ay dapat tayong maging matatag kahit madami na tayong pinagdadaanan.

 
 
 

Comments


bottom of page